Tuesday 11 June 2013

          Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pulitikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925 ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito magawa ng huling makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa isang bangka patungong Europa.


Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba't ibang etrolinggwistikong grupo. Bawat isa sa mga grupong ito ay may kani-kaniyang sariling wika. 


          Ayon kay Dr. Emesto Constantino mahigit sa limandaang (500) mga wika at wikain ang ginagamit ng mga Pilipino. Ika-13 ng Nobyembre, 1936 nilikha ng Pambansang Asemblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang TAGALOG bilang batayan ng Pambansang Wika.


  

Ang Wikang Tagalog, na kilalala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas at sa katunayan ngunit hindi sa batas na batayan na siyang pambansang wikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino). Ito ang katutubong wika ng Kalakhang Maynila. Sinasalita rin ito sa Hilagang kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking pangkat etnolingwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa Ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ng Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua francao "tunay na wika" sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang Ingles, sa iba't ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag na mananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman sa pananagalog.

        Bakit TAGALOG? 

Sinasalita ang Tagalog ng napakararaming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas, papadaliin at papabutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan. 




Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at pinakamaunlad at malakawak.






Hindi ito nahahati sa mga mas maliliiit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.



Higit na maraming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa sa iba. 


         













Ito ang Wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.






           















Ito ang Wika ng Himagsikan at ng katipunan, ang dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.        



            


                Noong 1959, nakilala ng wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. nagtakda naman ang Saligang Batas noong 1973 ng panibagong pambansang wikang pampalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino.


           Tagalog -> Pilipino -> Filipino        


  





























          Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng Tagalog.

          Para sa aking pananaw, ang Wikang Filipino ay isang simbolo ng pambansang dangal, identidad, ito rin ang nagsisilbing kasangkapang pambuklod ng mga grupong may iba't ibang sosyokultural at lingwistikong bakgrawn, kaya naman kahit na nasa ibang parte ka ng Pilipinas at may sari-sariling Wika, dapat lamang itong pagyamanin, palakihin at ipagmalaki.



Pinagmulan:
http://tinyurl.com/l8tyl79

http://tinyurl.com/luwsakj